EXANIMO


"Our life is an ocean. In a simple glimpse, it seems to be shallow, senseless, and monotonous, but in the depth thereof is an astonishing spectacle, an overwhelming creation only seen by those who believe and especially by those who risk to swim under that remarkably profound ocean." - 09/11/09 Elein

Curious? :))

Nanlamig Na Init

May 14, 2012

Minsan hindi mo mapapansin

Lumilipas ang oras at unti-unting

Nalilimutan ang bawat sandali

Ng paghihintay sa muli mong pagbalik

.

Isang araw aking napagtanto

Nabalewala ang  pag-ibig sa iyo

Ayoko na sanang isipin ngunit

Nananaig ang pait at galit

.

Sabi nila kung tunay mong mahal

Wag susuko at iyong ipaglaban

Wag indahin kung nasasaktan

Patuloy na idasal sa Maykapal

.

Sadyang kalokohan ang lahat ng ‘yon

P’ano maipadarama sa taong bato

Sa taong walang imik at walang kibo

Ang pusong wagas at handang ihandog

.

Pero salamat at nagising ako

Mula sa ilang buwang pagtingin sa’yo

Sa tapat ng salamin aking nakita

Nararapat sa akin ay higit pa

We found love in a hopeless place. I found myself hopelessly in love with you.

“He was like a song I’d heard once in fragments but had been singing in my mind ever since.” ― Arthur Golden, Memoirs of a Geisha

I’m officially missing you more each day.

We found love in a hopeless place. I found myself hopelessly in love with you.

“He was like a song I’d heard once in fragments but had been singing in my mind ever since.” ― Arthur Golden, Memoirs of a Geisha

I’m officially missing you more each day.

Simply Missing You

April 25, 2012

——————————————

I emptied my heart in the midst of the night

My pillows were drenched in droplets of tears

Sadness stole the brightness of the moonlight

Draped in shivering silhouette of fears

 .

Breaking away from your captivity

You hold me tighter than I can contain

Undo the spell that has blinded me

But let my love for you remain

 .

The fire in your eyes is set ablaze

Insatiable passion drives me weak

I yearn to touch that impeccable face

An ethereal being I’ll always seek

Unread

April 23, 2012

During Geog 1 class 11-1 pm, I wrote this poem.

——————————————————

Sa bawat araw na dumaraan

Hindi maiwasang ika’y maisip

Wag na sana akong pahirapan pa

Ako’y tuluyang nahuhulog na

 .

Sa bawat minutong lumilipas

Nanghihinayang sa dumaang oras

Huli na nang ika’y makilala

Ngayon pang ika’y lilisan na

 .

Hiling kong huminto ang pag-ikot ng mundo

Kasabay ang pagtibok ng aking puso

Upang maiwasan ang patak ng luha

At sakit na maaaring idulot mo

 .

Dahil sa tuwing ika’y kasama

Nabubuo ang mga alaala

Mga gunitang ‘di malilimutan

At hindi na maibabalik pa

 .

Siguro nga hindi mo pansin

Kung gaano ka kahalaga sa’kin

Nakakapanghina kasing isipin

Na baka ako’y balewalain

 .

Ngunit kahit huli at kulang ang oras

Hindi ko hahayaang dumating ang bukas

Na hindi ko nasasabi sa iyo

Mahal kita, paniwalaan mo

Dead Drunk

April 23, 2012

coz it damn hurts

———————————————

Matatapos ba ang pagdurusa

Sa isang bote ng coca-cola

Mawawala ba ang sakit

Pag uminom ng serbesa

 .

Hindi ko naman nais mangyari

Ngunit nawala sa aking sarili

Hindi ko man tanggap pero heto na

Patawad, hindi ko na kaya

 .

Mahirap nang umasa sa wala

Kaya ngayon nagmumukhang tanga

Kailangan kita, naiinitindihan mo ba?

Wag mo akong iwang nagiisa

 .

Ako’y nagkamali, aminado ako

Ngunit paano magsisimulang muli?

Nasayang ang bawat pagkakataon

Na ikaw sana ang kapiling

 .

Kung maibabalik lang ang kahapon

Hindi sana kita nilisan

Hindi sana tumalikod

Sa pag-ibig mong wagas

 .

Huli na nga ba ang lahat?

Upang ako’y iyong mapatawad?

Natatakot akong lumapit muli

Walang mukhang maihaharap sa’yo

 .

Dahil sa bawat saglit na ika’y lumapit

Binalewala ko ang tulad mo

Nabulag sa isang bagay na ngayon

Ay nagdudulot ng kapighatian